Sanggol, 6 iba pa sugatan sa salpukan ng tren, van sa Laguna

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Sep 03 2019 07:43 AM | Updated as of Sep 03 2019 04:22 PM

MAYNILA (UPDATE) — Sugatan ang isang sanggol at 6 pang tao matapos sumalpok ang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa isang van, na tumama naman sa mga bahay at tricycle, sa Calamba, Laguna ngayong Martes.

Nasa mabuting lagay naman ang mga nasugatan na mga galos lamang ang tinamo, ayon kay Jeff Rodriguez, head ng Calamba City Public Order and Safety Office. 

Kasama sa mga nasugatan ang 5 miyembro ng isang pamilya na may 3 bata, kabilang ang isang pitong buwang gulang na sanggol.

Sugatan din ang driver ng van na si Jordan Sancon at kasama nitong si Miguel Guantero na patungo namang paliparan para sumundo ng mga kamag-anak.

Nayupi ang isang van na tumama sa ilang bahay at tricycle matapos masalpok ng tren ng PNR sa Laguna. Larawan mula kay Jeff Rodriguez, hepe ng Calamba public order and safety office

Ilang minuto bago mag-alas-5 ng madaling araw, tumawid umano ang van sa crossing kahit paparating na ang tren.

Nakaladkad nang 15 metro ang van at tumama sa 3 bahay at isang nakahintong tricycle.

Hindi narinig ng driver ng van ang busina ng tren at wala din itong ilaw, ayon kay Rodriguez.

Pinuna naman ng Calamba City Public Order and Safety Office ang kawalan ng harang ng PNR.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.