MAYNILA - Naabot na ng Quezon City ang target nitong dami ng residenteng mabakunahan kontra COVID-19.
Nitong Agosto 31, umabot na sa 1,701,211 ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine sa lungsod. Katumbas ito ng mahigit 80 percent ng adult population nito.
Nasa 850,000 sa kanila ang nakatanggap na rin ng second dose.
Mula nang simulan ang vaccination program noong Marso,
aabot na sa halos 2.5 milyong bakuna ang naiturok sa Quezon City.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ipagpapatuloy ang pagbabakuna habang may dumarating na supply.
Hinihikayat rin ng lungsod ang mga residente nito at mga nagtatrabaho sa lungsod na magparehistro kung hindi pa nakakatanggap ng bakuna.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Quezon City, Quezon City COVID-19 vaccination program, population protection, Tagalog news