PatrolPH

Lalaki nasawi sa hika; araw ng kasal naging libing

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2021 09:03 PM | Updated as of Sep 05 2021 06:57 PM

Larawan mula kay Louie Bulalayao
Larawan mula kay Louie Bulalayao

SANTIAGO CITY (UPDATE)—Napuno ng dalamhati ang dapat sana ay araw ng kasal ng isang magkasintahan sa bayang ito sa Isabela nitong Huwebes.

Setyembre 2 ang itinakdang civil wedding nina James Edem at Angela Durias, pero namatay si Edem matapos atakihin ng asthma noong Agosto 25.

Ayon kay Durias, hindi niya inaasahan ang pangyayari.

Watch more on iWantTFC

"Hindi ito ang in-imagine kong mangyayari sa araw ng kasal natin. Maraming araw kitang nakikitang napapagod, Daddy, pero 'di kita nakitang sumuko. Ngayon lang," ani Durias.

Nitong araw ng Huwebes isinagawa ang libing ni Edem.

"Alam kong may plano ang Panginoon para sa atin, lalong-lalo na para sa mga anak natin... Alam naming anghel ka na namin ngayon," ani Durias. 

Ayon sa photographer na si Louie Bulalayao, Pebrero 2020 pa nagpa-book sa kaniya ang mag-partner para sa coverage ng kanilang church wedding sana noong Hulyo 18, 2020. 

Pero naurong nang ilang beses ang kasal hanggang nagplano na lang sila ng civil wedding dahil sa mga restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic.

— Ulat ni Harris Julio

 KAUGNAY NA VIDEO TUNGKOL SA ASTHMA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.