MAYNILA - Isang source ng shabu sa Parañaque City at 2 niyang kasamahan ang inaresto sa buy-bust operation sa isang subdivsion sa Barangay San Antonio Miyerkoles.
Pinasok ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Drug Enforcement Unit ang bahay sa Fourth Estate Area 7B kung saan nagtransaksyon ang poseur buyer at ang target na si alyas "Abel".
Nadiskubreng may dala pa siyang caliber 45 na baril.
Ayon sa ulat ng RDEU, naaktuhang nasa drug session ang kasamahan ng suspek na si alyas "Rodrigo", 21 anyos, at alyas "Hopkins", 18 anyos.
Narekober ng pulis ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu na nasa mahigit 200 gramo at may tinatayang halaga na P1,428,000.
Construction worker ang 29-anyos na si Abel.
Ikinasa ang operasyon matapos makapagsagawa ang pulis ng test-buy sa kanya.
Ayon sa pulis, supplier umano siya sa mga street-level na pusher sa barangay.
Bukod sa selling, possession, and use of illegal drugs, may dagdag pang kahaharaping kaso na illegal possession of firearms si Abel.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
war on drugs, drug war, Paranaque, San Antonio, shabu, drugs, buy-bust, police, Tagalog news