PatrolPH

'Top 1 drug personality' sa Camanava, timbog sa Caloocan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2020 05:05 AM

MAYNILA - Naaresto ng pulisya ang top 1 drug personality diumano ng Camanava sa isang buy-bust operation sa Tupda Village, Brgy. 8 sa Caloocan City Miyerkoles ng madaling araw.

Bukod si Renato "Kalugar" Perez, nahuli rin ang isa pang lalaki na nagpapapwesto sa suspek sa bahay.

Nakuha kay Perez ang 110 gramo ng shabu na may halagang nasa P700,000.

Aminado si Perez na big-time drug pusher siya.

Dati na siyang nakulong mula 2010 hanggang 2013 dahil sa kasong robbery hold-up. Noong 2018, nagsimula naman siyang magbenta ng shabu.

Umaabot pa aniya sa P10 milyon ang naireremit niya kada linggo dahil sa lalaki ng mga transaksyon niya.

Ayon sa isa pang suspek na si Jomi Samson, nawalan siya ng trabaho bilang construction worker sa gitna ng pandemya kaya pinapapwesto niya sa kanyang bahay si Perez sa halagang P250.

Ayon sa hepe ng NPD-DDEU na si Police Lt.Col. Ramon Aquiatan, malaking huli ito at malaking kabawasan ito sa mga drug transactions sa Caloocan. 

Kulong ang dalawa sa Northern Police Station.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.