PatrolPH

Sanggol nalunod sa ilog sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2019 03:21 PM

Nalunod noong umaga ng Linggo ang isang sanggol sa ilog malapit sa kanilang bahay sa Barangay Guiwan, Zamboanga City.

Ayon sa ama, hindi niya namalayang nakatulog siya habang binabantayan ang isang taong gulang na lalaki bandang alas-11 ng umaga.

Nasa trabaho ang ina ng bata noong mga oras na iyon.

Makaraan ang isang oras, ginising umano ang ama ng kaniyang pamangking naghahanap sa sanggol.

Natagpuan ng dalawa ang bata sa ilog malapit sa bahay.

Dinala ang bata sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Ikinalungkot ng ama ang pagkamatay ng kaniyang anak at sinabing nakatulog lamang siya dahil sa sobrang pagod. -- Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.