Babaeng papunta sa simbahan, patay sa pamamaril sa Davao City

Che-che Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2018 04:28 PM

DAVAO CITY - Patay ang isang matandang babae sa Paquibato district ng siyudad na ito matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin, Linggo ng madaling araw. 

Patungo ng simbahan ang biktimang si Andrea Baguio, 68 anyos, nang barilin ito ng salaring sakay umano ng motorsiklo. 

Ayon sa pulisya, kalibre .45 ang ginamit para patayin ang biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa likod ng pamamaril. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.