Babaeng papunta sa ospital, napaanak sa bus

ABS-CBN News

Posted at Sep 02 2018 08:19 PM

Photo courtesy of Nikko Alexander Manigos

Napaanak na sa bus sa Victorias, Negros Occidental nitong hapon ng Sabado ang babaeng papunta sana sa ospital. 

Kasama ang isa pang anak, papunta na sana sa ospital ang 27 anyos na si Vilma Salondro. Pero habang bumibiyahe, hindi na kinaya ng buntis ang sakit ng kaniyang tiyan.

Kaya naman agad na pinahiga ng dalawang babaeng pasahero sa upuan ng bus ang buntis, at tinulungan itong manganak.

Watch more in iWant or TFC.tv

Agad ding dinala sa ospital ang ginang at ang kaniyang bagong panganak na sanggol na babae. 

Pinangalanan ni Salondro na Ceresa Mina ang kaniyang anak, hango sa Ceres bus na sinakyan niya noong nanganak siya. 

Hindi na nakapagsalamat ang ina sa tumulong sa kaniya. Hiling na lang niya ay maging mabuting tao ang kaniyang anak, na ikatlo sa magkakapatid. 

-- May ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.