Vape na may liquid marijuana mula Netherlands nasamsam sa NAIA

ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2020 03:47 PM

MAYNILA - Nasamsam ng mga awtoridad ang mga vape juice parcel na naglalaman ng liquid marijuana mula sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City. 

Sa pahayag na inilabas ng Bureau of Customs office na nasasaklaw ang Ninoy Aquino International Airport, nasabat ang nasa 62 pirasong vape juice mula sa mga unclaimed na parcel noong Agosto 22. 

Idineklara umanong "food flavoring" ang mga bote ng marijuana at ipinadala ito ng isang Roger Bowman mula Amsterdam, Netherlands. 

Ipadadala dapat ito sa isang Dee Sy sa San Juan City. 

Nang suriin ng Philippine Drug Enformcement Agency at ng Customs ang mga vape juice ay natuklasang may mga compound ito na nakikita sa marijuana. 

Nai-turn over na sa PDEA ang nasamsam na kontrabando nitong Martes, Setyembre 1 para maimbestigahan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.