ALAMIN: Quarantine classifications na ipapatupad sa bansa ngayong Setyembre

ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2020 12:48 PM

MANILA - Isang buwang isasailalim sa general community quarantine ang Metro Manila at ilan pang karatig-lugar, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic.

Kabilang sa isasailalim sa isang buwang GCQ ang mga sumusunod na lugar. 

• National Capital Region
• Bulacan 
• Bacolod City
• Tacloban City

Samantala, ibabalik naman sa modified enhanced community quarantine ang Iligan City, habang nasa modified general community quarantine na ang nalalabing bahagi ng bansa. 

Mula general community quarantine, inilipat sa mas maluwag na MGCQ ang mga sumusunod. 

LUZON

• Nueva Ecija
• Quezon 
• Cavite
• Laguna
• Rizal

VISAYAS
• Iloilo City
• Cebu City
• Lapu-Lapu City
• Mandaue City
• Talisay City
• Minglanilla, Cebu
• Consolacion, Cebu

Ito ang unang pagkakataon na magtatagal nang 1 buwan ang quarantine classifications. 

Karaniwang kada 15 araw nagbabago ang quarantine classifications na ipinapatupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

-- May ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.