30 pamilya nasunugan sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2020 11:36 AM

Nasa 30 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa Quezon City gabi ng Lunes.

Pasado alas-7 ng gabi nang sumiklab ang sunog na mabilis kumalat sa mga dikit-dikit na bahay sa Tulip Street, Barangay West Fairview.

Higit isang oras ang tumagal bago tuluyang naapula ang apoy, na tumupok sa 14 na bahay.

Sa tabing-kalsada muna nagpalipas ng gabi ang mga nasunugan.

Sa mga gustong magparating ng tulong, maaari umanong makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Barangay West Fairview.

-- Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.