Kuha sa video ng Marikina PIO
MANILA—Idineklara ang unang alarma sa Marikina River matapos lumagpas sa pamantayang lebel ang tubig nito Sabado.
Dulot ng matinding pag-ulan dala ng habagat, lumagpas ng 15 na metro ang tubig kaya't dineklara na ang alarma pasado 11:30 ng gabi.
Inabisuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa paligid ng ilog na maghanda at manatiling naka-alerto.
Sa Linggo, makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.