Lalaki kinuyog matapos umano hipuan ang isang babae sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Sep 01 2018 11:15 AM | Updated as of Sep 01 2018 11:21 AM

Naabutan ng mga pulis ang suspek na nakahiga na sa kalsada at nakagapos ang kamay matapos na kuyugin. Hinipuan umano ng suspek sa dibdib ng isang babae sa Davao City.

DAVAO CITY – Kinuyog ang isang lalaking nanghipo umano ng dibdib ng babae sa J.P. Laurel Avenue sa lungsod na ito, Sabado ng madaling araw.

Dinala muna sa ospital ang suspek na si alyas Ian na naabutan ng mga pulis na nakahiga sa kalsada at may sugat sa ulo.

Positibong itinuro naman ng biktima si Ian na nanghipo sa kaniya sa tapat ng isang restaurant sa naturang lugar.

Kakasuhan ang suspek ng acts of lasciviousness. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.