PatrolPH

3 tiklo sa buy-bust sa mall sa Cavite; P3.4 milyong 'droga' nasabat

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2021 10:44 AM

MAYNILA - Aabot sa P3.4 milyong hinihinalang droga ang nasabat sa 3 babae sa buy-bust operation sa Dasmarinas, Cavite noong Lunes. 

Ayon sa provincial office ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Cavite, nagpanggap ang isang asset na bibili ng droga sa suspek. 

Nakipagkita sila sa parking lot ng isang mall. 

Matapos ng transaksiyon, nahuli ang mga suspek. 

Ayon sa mga suspek, wala silang trabaho at wala ring criminal record. 

Kuwento nila, may nakausap lang anila sila sa telepono at inutusan silang i-deliver ang package sa halagang P2,500. 

Nakumpiska sa mga awtoridad ang nasa 500 gramo ng shabu. 

Inaalam na ng pulisya ang pinanggalingan ng droga ng mga naaresto. 

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.