PatrolPH

Magnanakaw umano ng motorsiklo, arestado sa Tondo

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2021 02:57 AM | Updated as of Aug 31 2021 08:55 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA - Natunton na ng mga pulis ang 38 anyos na lalaking suspek umano sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Tondo, Maynila Lunes.

Isang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau ang biktima na nadiskubreng nawawala ang kanyang motorsiklo na ipinarada sa harap ng kanilang bahay sa Abad Santos Street.

Kaya agad siyang nagreport sa District Anti-Carnapping Unit ng Manila Police District na naglagay ng flash alarm sa motorsiklo.

Sa backtracking ng mga CCTV sa lugar, kita ang isang lalaking naka-pulang jacket at itim sa shorts na kinuha ang motor sa harap ng bahay ng biktima.

Nasundan ang suspek na minamaneho ito hanggang sa kanilang bahay kaya nalaman ang kanyang pagkakakilalanlan.

Narekober ang motorsiklo na kinilala rin ng biktima.

Paglabag sa Anti-Carnapping Law ang kasong haharapin ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.