MAYNILA — Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko nitong Lunes na ilegal ang paglalabas ng pangalan ng mga pasyenteng may COVID-19.
Sa virtual news forum ng DOH, sinabi ni Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, dapat nang matigil ang stigma na dulot ng paglalabas ng mga pangalan ng mga positibo sa bagong coronavirus.
Ito ay matapos mag-viral sa social media ang isang listahan umano ng ilang taong may COVID-19.
Binalaan ni Vergeire ang mga pasimuno ng paglathala ng mga parehong listahan.
"I would like to call on the general public and our officials, sana maging considerate tayo. Let us remove this practice of stigmatizing our patients," aniya.
Sabi ni Vergeire, kahit pa may batas na "Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act" na pinapayagan ang pagbabahagi ng ilang impormasyon ukol sa isang sakit, maaari pa ring malabag ang Data Privacy Act sa paglathala ng pangalan ng COVID-19 positive patients.
"Ang sinasabi sa ating batas o RA (Republic Act) on notifiable diseases, we can share information to officials so they can provide proper interventions sa mga may sakit. Pero hindi allowed sa batas and sa Data Privacy Law yung pino-post natin ang mga pangalan to social media," sabi ni Vergeire.
Bukod dito, dapat din aniyang igalang ang iba pang karapatan ng mga pasyente at iwasan ang diskriminasyon sa kanila.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, DOH, Department of Health, Maria Rosario Vergeire, stigma, Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act