PatrolPH

Umano'y akyat-bahay sa Marikina patay sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 06:41 PM

MAYNILA — Isang hinihinalang akyat-bahay ang napatay sa engkuwentro sa Marikina City nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa sila ng surveillance sa Barangay San Roque nang madatnan nila ang 2 lalaki na aktong nanloloob umano sa isang bahay.

Naglabas umano ng mga baril ang 2 lalaki at pinaputukan ang mga papalapit na pulis.

Gumanti ang mga pulis at napatay ang isa sa mga lalaki habang nakatakas ang kasama niya.

Narekober ang isang kalibre .38 na baril, mga bala, at sling bag na may lamang kutsilyo at cellphone.

Inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng napatay at ng tumakas.

—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.