6 patay, 4 sugatan sa banggaan sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2019 05:22 PM | Updated as of Sep 01 2019 05:50 PM

Bumaliktad ang trak matapos mawalan ng preno sa Sumulong Highway sa Antipolo City, Rizal nitong Sabado, Agosto 31, 2019. Apat ang kumpirmadong patay matapos makaladkad ng trak ang 3 jeep.

MANILA (3rd UPDATE) - Anim ang patay sa banggaan ng isang trak at jeep sa Sumulong Highway sa Antipolo City nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Ayon sa isang kagawad ng Barangay Mambugan kung saan nangyari ang aksidente, nawalan ng preno ang isang 10-wheeler truck na bumabaybay sa nasabing daan at nakaladkad nito ang isang jeep bago bumangga sa poste.

Watch more in iWant or TFC.tv

Natanggal umano ang trailer ng trak at bumagsak sa nasabing jeep kaya nadaganan ang mga pasahero nito.

Bukod sa mga nasawi, 4 ang nasugatan at dinala sa ospital.

Dalawang jeep na nakaparada din ang nadamay sa aksidente, ayon sa pulisya.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. - Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.