Magsasaka patay sa pamamaril sa Pangasinan

John Germono, ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 03:09 PM

Patay sa pamamaril ang magsasakang si Joseph Jasmin sa Umingan, Pangasinan nitong Huwebes. John Germono, ABS-CBN News

UMINGAN, Pangasinan - Natagpuang patay sa kanyang bukid dito ang isang 57-anyos na magsasaka nitong Huwebes ng madaling araw.

May mga tama ng bala sa kaniyang baba, dibdib, at tiyan ang biktimang si Joseph Jasmin nang matagpuan itong nakahandusay sa kanyang bukid.

Wala namang nakitang basyo ng bala sa pinangyarihan ng krimen.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa pamamaril.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.