Lalaki natagpuang patay sa Heritage Park

ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 10:03 AM

 

A post shared by Jekki Pascual (@jekkipascual) on

Natagpuang patay ang isang lalaki sa basurahan sa labas ng Heritage Park sa Taguig, Huwebes.

Hindi pa kilala ang biktimang nakatali ang kamay sa likuran at nakasuot ng maong shorts at polo shirt.

Nakuha ang isang pakete ng hinihinalang shabu mula sa bulsa ng biktima, ani PO2 Victor Biete.

Ayon sa isang testigo, nakarinig siya ng 5 putok at nakita ang isang sasakyan at motorsiklong nakahinto sa basurahan.

Agad aniyang umalis ang 2 sasakyan kaya hindi niya namukhaan ang mga sakay nitong suspek.

Narekober sa lugar ang 5 basyo ng bala. Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.