Apoy sumiklab sa dalawang barangay sa Iloilo

Nony Basco, ABS-CBN News

Posted at Aug 31 2017 03:50 PM

ILOILO CITY – Daan-daang mga kabahayan ang naabo matapos na sumiklab ang apoy sa 2 barangay sa Mandurriao, Huwebes ng umaga.

Agad namang rumesponde ang mga bumbero pero nahirapan silang makapasok dahil sa makitid na lugar.

Kanya-kanyang bitbit naman ang mga residente ng mga gamit na kaya nilang maisalba mula sa nasusunog nilang kabahayan.

May ilang residente din ang tumulong sa mga bumbero sa pagpatay ng apoy para hindi na umabot pa sa kanilang mga bahay.

Inabot ng isang oras bago ma-control ang apoy. Mula sa Sitio Mainuswagon sa Barangay Bolilao, umano ang sunog sa katabing Sitio Kanipaan sa Barangay Bakhaw.

Karamihan ng mga bahay ay gawa umano sa light materials.

May tatlong indibidwal din umano ang ginamot ng medical team dahil sa paglanghap ng usok.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.