PatrolPH

2 lalaki sa Las Piñas arestado dahil umano sa paglabag sa gun ban

Karen De Guzman, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2023 11:27 AM

Photos courtesy of Southern Police District
Photos courtesy of Southern Police District

MAYNILA — Arestado ang 2 lalaking sakay ng motorsiklo sa Las Piñas City nitong Martes matapos umanong lumabag sa unang araw ng ipinatutupad na gun ban ng Commissionnon Elections para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit nang sitahin nila ang 2 lalaki na walang suot na helmet. 

Sa halip na tumigil, humarurot ng takbo ang motorsiklo na agad namang hinabol ng mga pulis.

2 lalaki arestado dahil umano sa paglabag sa gun ban

Nakumpiska sa kanila ang kalibre .38 na revolver, isang switch blade, bolt cutter, at surgical scissor. Inaresto ang dalawa matapos walang maipakita na proof of authority sa dala-dalang baril.

Mahaharap ang mga suspek sa mga reklamong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at BP6 kaugnay sa Omnibus Election Code.

“We humbly request the public to fully cooperate with the election gun ban and refrain from carrying firearms and deadly weapons as the SPD will remain committed in ensuring the rule of law to ensure safe environment that encourages a fair and violence-free election," sabi ni PBGen. Roderick Mariano, district director ng SPD.

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.