Pinabulaanan nitong Lunes ng Davao City Police Office ang 2 napaulat na insidente ng pagdukot sa lungsod.
Iginiit ni Davao City police director Col. Alberto Lupaz na walang nangyaring kidnapping matapos umamin ang 14 anyos na babae mula Toril District na siya mismo ang sumama at sumakay sa sasakyan ng isang lalaking hindi niya kilala.
Nagtampo kasi umano ang dalagita sa kaniyang mga magulang matapos kumpiskahin ang kaniyang cellphone.
Nailigtas ang babae sa General Santos City matapos dalhin doon ng lalaki.
Pinabulaanan din ng Davao police ang kumalat sa social media na pagkawala ng isang 17 anyos na babae mula Matina Aplaya noong nakaraang linggo.
Inamin ng dalagita na umalis at pumunta siya sa Bukidnon dahil sa sakit na hindi niya masabi.
Nagbabala naman ang Davao police sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media.
— Ulat ni Cheche Diabordo
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.