PatrolPH

Bangkay ng babae, natagpuan sa compound sa Baguio City

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2022 07:33 PM

BAGUIO CITY - Natagpuan ang hubad na bangkay ng isang babae sa isang private compound sa Alfonso Tabora, Trancoville, Baguio City nitong Martes ng umaga.

Sa inisyal na report ng Baguio City Police Office, natagpuan ang bangkay ng babae na may tape ang bibig at mga kamay. Tinalian din ng belt ang kanyang leeg.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

- ulat ni Mae Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.