PatrolPH

Pilipinas nagtala ng all-time high 22,366 bagong kaso ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2021 09:30 PM

MAYNILA — Nagtala ang Pilipinas nitong Lunes ng 22,366 bagong kaso ng COVID-19, pinakamataas na bilang simula nang pumutok ang pandemya. 

Dahil dito, sumirit na sa 1,976,202 ang naging kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. 

Nairekord din ngayong Lunes ang 222 bagong pagkasawi kaya umakyat na sa 33,330 ang kabuuang bilang mga namatay.

Samantala, 16,864 ang bagong nakarekober kaya 1,794,278 ang bilang ng mga gumaling.

Batay sa tantiya ng ABS-CBN Data Analytics, posibleng pumalo na sa 2 milyon ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas sa Miyerkoles o Huwebes.

Sa isang pahayag, sinabi ni Vice President Leni Robredo na dapat ayusin na ng gobyerno ang tugon nito sa pandemya para maiwasan ang panibagong pagkasawi.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.