5 kaso ng Delta COVID-19 variant naitala sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2021 10:29 PM

ZAMBOANGA CITY - Naitala ang 5 bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Zamboanga City, ayon sa resulta na inilabas ng Philippine Genome Center noong Agosto 28.

Nakatira sa isang bahay ang mga pasyente na kasalukuyang nagpapagaling sa quarantine facility.

Tatlo sa 5 pasyente ay mga menor de edad habang may edad na 44 at 26 ang dalawa pang pasyente.

Sa kabuuan, umabot na sa 6 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Delta variant sa lungsod.

Patuloy namang nananawagan ang lokal na pamahalaan sa mga residente na sumunod sa health protocols.

 

- ulat ni Leizel Lacastesantos