Aktor sa 'Ang Probinsyano' natagpuang patay

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2018 08:30 AM | Updated as of Aug 30 2018 09:14 PM

SILANG, Cavite - Natagpuang patay si Arnold Corpuz, isang aktor ng teleseryeng "Ang Probinsyano", sa kaniyang bahay sa bayan na ito, Miyerkoles. 

Nitong Lunes pa hindi ma-contact ng mga kaanak ang 38-anyos na si Corpuz kaya sapilitan nilang pinasok ang kaniyang tahanan sa Barangay Biga 1. 

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tumambad sa grupo ang bangkay ni Corpuz na tadtad ng saksak sa sala. Nakasuot lamang ng underwear at medyas ang biktima. 

May nakita namang alak at 3 baso sa balkonahe. 

Nawawala ang 2 cellphone at ilang alahas ng biktima, ayon sa pulisya.

Mag-isa lang na nakatira sa bahay ang aktor, pero madalas itong tumanggap ng mga bisita, kuwento ng kaniyang pamilya. 

Gumanap si Corpuz bilang alkalde na inambush sa "Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin. 

Naging bahagi rin si Corpuz ng mga teleseryeng "Bagani" at "Be Careful With My Heart." 

Bukod sa pagiging aktor, pinagkakaabalahan niya ang networking. 

Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.