PatrolPH

2 'gun runner', patay sa engkuwentro sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2018 05:27 AM

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki na hinihinalang miyembro ng isang gun running syndicate sa buy-bust operation sa Maynila.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga namatay.

Ayon kay Chief Insp. Nino Briones ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nakahalata umano ang 2 lalaki na pulis ang kanilang katransaksiyon.

Nakipagbarilan umano ang mga lalaki sa Barangay 106 hanggang sa masukol sa Barangay 128.

Bibili sana ang isang poseur buyer sa mga lalaki ng P12,000 halaga ng kalibre .45 na baril at P4,000 halaga ng kalibre .38 na baril. - Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.