Retiradong pulis, patay sa pamamaril sa Pangasinan

Joanna Tacason, ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2020 09:55 PM | Updated as of Jan 10 2020 08:29 PM

Watch more in iWantTFC

CALASIAO, Pangasinan - Patay ang isang retiradong police general matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin Huwebes ng hapon sa highway ng Barangay Nalsian sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si retired Police Brigadier General Marlou Chan. 

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng kaniyang pick-up ang biktima nang tambangan at pagbabaril ng mga salarin na sakay ng motorsiklo.

Agad dinala sa ospital ang biktima pero binawian rin ng buhay dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Nagsasagawa na ng dragnet operation ang pulisya para matunton ang mga salarin. Agad ring bumuo ng special investigative task group ang Pangasinan Provincial Police Office para tutukan ang kaso.

Nagsilbing provincial director ng Pangasinan Police si Chan noong 2013.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.