Drug den sa QC nag-aalok ng 'promo', 7 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 08:53 AM | Updated as of Aug 30 2017 10:45 AM

MANILA - Naaresto ang 7 katao sa isang drug den na nag-aalok ng "promo" sa mga parokyano nito sa Cubao, Quezon City Miyerkoles.

Pag-aari ng magkakapatid na Cajote ang bahay sa Barangay San Martin de Porres na ginawang drug den.

Sa isang pader, nakadetalya ang alok na "promo" ng mga suspek:

Nakabili ang mga operatiba ng P500 halaga ng droga mula sa mga suspek na sina Zaldy, Carol at Janet Cajote, dahilan para maaresto sila.

Dinakip din ang 4 pang katao sa drug den, kabilang ang 3 na naabutang gumagamit ng droga.

Ayon sa barangay, dati nang sumama sa Oplan Tokhang ang magkakapatid na Cajote, pero nagpatuloy pa rin sa pagtutulak ng droga.

Mariing itinanggi ng magkakapatid ang paratang. Anila, paglalaba at pagbebenta ng mga halaman ang kanilang trabaho.

Pero nilaglag sila kinalaunan ng isa sa mga kapwa naaresto na umaming pwestuhan ang nasabing bahay ng mga Cajote.

Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.