Dating asset ng pulis, pinatay ng 'riding-in-tandem'

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 08:36 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Kalayaan Avenue corner Kakarong, Makati City, Martes alas-10:15 ng gabi.

Lumalabas sa imbestigasyon na kagagaling lamang sa kaibigang taga-Barangay Tejeros ng biktimang si Froilan Delos Santos, 36, nang sundan ito ng mga salarin bago patayin.

Ayon sa pulisya, dati nang nakulong dahil sa ilegal na droga si Delos Santos at may warrant of arrest ito dahil sa kasong frustrated murder.

Dati rin umanong asset ng pulis si Delos Santos at kasama ito sa drugs watchlist. Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang 12 basyo ng 9mm.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.