60-anyos na lalaki, arestado sa panggagahasa sa dalagita

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 12:28 PM

KATIPUNAN, Zamboanga del Norte – Kulungan ang bagsak ng isang 60-anyos na lalaki matapos siyang sampahan ng kasong panggagahasa ng 13-taong gulang na kapitbahay.

Nahuli umano sa akto ng ina ng biktima ang 60-anyos na kapitbahay.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, laging pumupunta sa bahay ng suspek ang bata kaya doon ito hinanap ng kanyang ina nang mabigong makauwi ng bahay.

Pinabulaanan naman ng suspek ang alegasyon sa kanya. Sinabi niya na mayroon na silang kasunduan bago pa man maganap ang krimen.

Nahaharap na ngayon sa kasong rape ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.