40 beses binaril: Pulis-Antipolo pinaulanan ng bala, patay

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 08:48 AM

MAYNILA - Patay ang isang pulis nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Antipolo City, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktimang si PO3 Rodolfo Billodo Jr. na papasok sana sa trabaho sa Presinto 2 nang pagbabarilin ng mga salarin. 

Ayon sa pulisya, habang binabaril si Billodo ng isang gunman ay dumating ang nakamotor nitong kasama at nagpaulan din ng bala.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan at sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

"Base sa ginawa ng suspek, matindi ang galit nila para gumastos sila ng bala na hindi bababa sa 40," ani PO2 Gilbert Santos, imbestigador. 

Isa sa mga tinitingnan ng mga awtoridad na motibo sa pagpatay sa biktima ay ang kasong hinahawakan nito na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.