PatrolPH

QC bumili ng lupain para sa informal settlers sa lungsod

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2020 03:50 AM

Pinirmahan na ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang dalawang deed of sale para sa mga lote na kanilang binili mula sa dalawang kumpanya.

Binili ng lokal na pamahalaan ang 7 lupa sa Area 3, Sitio Veterans sa Barangay Bagong Silangan sa halagang P110 million.

May kabuoang sukat ang lote na 36,651 square meters, at makikinabang dito ang 530 mga pamilya mula sa ilang mga homeowners associations bilang beneficiaries.

Samantala, ibinenta naman ang dalawang lote sa Barangay Payatas sa Quezon City government na may kabuoang sukat na 76,787 square meters.

Sa ilalim ng kasunduan, 65,025 square meters lang ang babayaran ng Quezon City sa halagang P195 million, habang ang natitirang 11,762 square meters ido-donate na ng naturang kumpanya sa LGU.

Nasa 1,200 families naman mula sa 8 homeowners association ang makikinabang dito. 

Pagsapit naman ng taong 2021, nakatakdang bilhin pa ng Quezon City ang isa pang lote na may laking 100,619 square meters at tinatayang nasa 1,270 families naman ang makikinabang dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.