PatrolPH

8 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2020 04:31 PM | Updated as of Aug 31 2020 10:12 AM

KABACAN, Cotabato - Walo ang patay habang 1 ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa bahagi ng Barangay Poblacion sa bayan na ito, Sabado.

Sa inisyal na report ng Philippine National Police, sakay umano ng mga motorsiklo ang mga biktima pasado alas-12 ng tanghali ng Sabado at papunta sa direksyon ng Barangay Aringay sa bayan.

Pero hinarang umano sila ng hindi pa kilalang mga armadong lalaki.

Nang bumaba ang mga biktima mula sa kanilang mga motorsiklo ay pinagbabaril na umano sila gamit ang pinaniniwalaang high-powered firearms base na rin sa mga narekober na cartridge sa lugar.

Dead on the spot ang 8 biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang isa pang biktima na sugatan ay agad dinala sa ospital.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP kaugnay sa insidente.

-- Ulat ni Arianne Apatan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.