Kagawad sa Negros Oriental pinagbabaril sa fiesta

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2019 03:42 PM

GUIHULNGAN CITY, Negros Oriental — Patay ang isang kagawad sa Barangay Mabunga matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ramonito Handumon, na nakikisaya lang daw sa pista nang lapitan ng 4 na naka-bonnet na lalaki at pagbabarilin. 

Hindi pa alam kung ilan sa 4 na salarin ang gunman. 

Sabi ng pulisya, umakyat daw sa bundok ang mga lalaki kaya hinala nila ay mga miyembro ito ng New People's Army.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen. —Ulat ny Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.