Mabilog, gustong makipagkita kay Duterte

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2017 01:56 PM

Nais makausap nang personal ni Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog si Pangulong Rodrigo Duterte upang maipakita niya sa Pangulo ang kanyang ginagawang hakbang kontra droga sa kanilang lungsod. Kasunod ito ng pagtalaga ng pangulo kay Chief Inspector Jovie Espenido bilang hepe ng pulisya ng Iloilo.

Muli ring iginiit ng alkalde na wala siyang kahit na sinong pinoprotektahan kaugnay ng ilegal na droga, at hindi rin siya gumagamit nito.

Simula nang umarangkada ang giyera kontra droga ng pangulo, wala na aniyang natirang high value target sa kanilang lungsod dahil napatay na ang mag-asawang Melvin at Meriam Odicta, habang nakakulong na ang mga galamay nito.

"Wala na pong natirang high value targets like Melvin and Meriam Odicta. Namatay na po sila. 'Yong isa po is on the run. Meron pong pataw na nakalagay sa kanyang ulo. Reward of about P1 million for anybody that could pinpoint to his arrest. 'Yong mga galamay nila, halos kulong na rin."

Dagdag pa niya, higit 300 operasyon na ang nagagawa ng pulisya laban sa ilegal na droga. Mayroon ding mga programa para sa mga tokhang surrenderer, gaya ng rehabilitation at treatment centers. Sa 3,180 na sumuko, nasa 1,200 na ang napa-rehabilitate at gumaling, aniya. 

Matagal na umanong nais makausap ni Mabilog ang presidente upang maipakita ang kanyang mga nagawa kontra droga, ngunit hindi siya mabigyan ng pagkakataon lalo't isa siya sa mga kasama sa listahan ng pangulo ng mga alkaldeng dawit sa ilegal na droga.

"Through sa program niyo po, baka mabigyan po ako ng opportunity na makaharap si Presidente. I've been doing everything kaya lang po, simple mayor lang po ako ng Iloilo City, and I don't know anyone in the national level, much more sa Malacañang to bring it to the President so that we could talk tapos mapakita ko man lang sa kanya 'yong mga nagawa ko according to my capacity as mayor of Iloilo," sabi ni Espenido sa programang 'Failon Ngayon' ng DZMM.

Umaasa rin siyang ang pagkakatalaga ni Espenido sa Iloilo ay makatulong sa pagpapakita ng tunay na sitwasyon kontra droga sa Iloilo. 

"I'm hoping po that the assigmnent of Chief Inspector Espenido to Iloilo city would give us the opportunity that we could also investigate and see the real situation on drugs po sa lungsod ng Iloilo ngayon, and make a report and recommendation to the President that we in Iloilo city are supporting po 'yong kanyang kampanya and this war against illegal drugs. We have been exhausting everything we can do para po na according sa kanyang programang war against illegal drugs po."

Noong Lunes, kinumpirma ni Duterte na ipadadala niya si Espenido sa Iloilo upang bantayan at imbestigahan si Mabilog na alkalde ng lungsod na tinagurian ng Pangulo bilang "most shabulized" sa bansa.

Nagsilbi bilang chief of police si Espenido sa Albuera at Ozamiz, kung saan namatay ang mga alkalde nitong sina Roland Espinosa Sr. at Reynaldo Parojinog Sr. sa magkahiwalay na operasyon ng polisya. 

Bukas si Mabilog sa pagdating ni Espenido sa lungsod, ngunit inamin na natatakot siya para sa seguridad ng kanyang pamilya. 

Wala naman dapat ikatakot si Mabilog, ayon kay Espenido. 

"Alam naman ng Panginoon kung malinis sila o hindi...'Wag silang matakot. Kung totoo na gumawa sila ng mabuti, bakit matakot sila?" ani Espenido. 

Kasama si Espenido sa listahan ng pangulo ng mga alkaldeng sangkot sa ilegal na droga, ngunit muli niyang iginiit ang pagkakadawit dito. 

"First and foremost, I fully respect the list... because probably there are some things that has been, has been given information that has been given to him. Hindi ko lang po talaga alam kung ano po 'yon at saka saan nanggaling iyon," ani Mabilog.

"'Yong sa akin lamang po is the facts would show, data and records would how that hindi po talaga ako, and I myself would categorically say na hindi po talaga ako, na I've never protected anyone, much more tolerated anyone with illegal drugs."

"I've never used illegal drugs, tasted it, tried it my whole life, and I've never sold anything with that regards. Wala talaga."

Dagdag pa niya, wala siyang tinawagang pulis upang ipahinto ang pag-aresto sa kahit sino mang sangkot sa droga. 

"I have never intervened or used my position, even in my personal capacity, to call a police or even a PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) enforcer na may nahuli siya o may plan to manghuhuli na nang-intervene ako, never po nangyari sa akin 'yan. Not ever. I have never called anyone. Probably I called them to provide them the support, but never to intervene or to interfere, wala po."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.