Bus, 2 truck nagkarambola sa EDSA; trapiko nagsikip

ABS-CBN News

Posted at Aug 30 2017 07:05 AM | Updated as of Aug 30 2017 07:26 AM

MANILA - Nagsikip ang trapiko sa EDSA southbound matapos magkarambola ang isang bus at 2 truck sa bahagi ng Main Avenue, Miyerkoles.

Sa inisyal na impormasyon, hinihila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tow truck ang isang nasiraang dump truck nang bigla umanong sumingit ang isa pang sasakyan, pasado alas-5 ng umaga.

Dahil dito, biglang kumanan ang tow truck hanggang sa mabangga ang bus.

Nasakop ng mga naaksidenteng sasakyan ang 3 lane.

Hindi pa rin naiaalis ang mga ito sa lugar dakong alas-6:45 ng umaga, dahilan para umabot ang buntot ng mabigat na trapiko sa North Avenue. -- Ulat nina Fred Cipres at Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.