PatrolPH

Ina sugatan matapos umanong saksakin ng sariling anak sa Naga

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2022 04:02 PM | Updated as of Aug 29 2022 12:14 AM

Sugatan ang isang 67 anyos na bbae matapos umanong saksakin ng kaniyang sariling anak sa loob ng kanilang bahay sa Naga City ngayong Linggo.

Ayon sa tagapagsalita ng Naga police, kinumpronta ng 38 anyos na suspek ang kaniyang ina dahil sa personal na problema, bago niya ito sinaksak nang 6 na beses gamit ang kitchen knife.

Naisugod ng mga kaanak sa Bicol Medical Center ang biktima, na ngayo'y nasa maayos na kondisyon na.

Mababaw lang ang tinamong sugat ng biktima, na posibleng ma-discharge din ngayong Linggo sa ospital, ani Police Senior Master Sgt. Tobias Bongon III.

Tinutugis na umano ng mga awtoridad ang suspek.

Ayon sa kapatid ng suspek, paulit-ulit na umano ang pananakit nito sa ina at pananakot sa kaanak. 

Sukdulan na umano ang ginawa nito sa magulang, kaya nais na niya itong makulong.

Hinihintay na lamang ng pulisya ang kopya ng medical certificate ng biktima para magsilbing ebidensiya sa kasong frustrated parricide na isasampa laban sa suspek. -- Ulat ni Jonathan Magistrado

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.