PatrolPH

RECORD HIGH: Higit 19,000 bagong COVID-19 cases naitala sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2021 07:14 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Sumipa sa all-time high, o pinakamataas na antas, ang naitalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw.

Ayon sa DOH, pumalo sa 19,441 ang bilang ng mga bagong kaso. 

Tatlong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos. 

Sa kabuuan, lagpas 1.935 milyon na ang naiulat na COVID-19 cases sa bansa, habang lumagpas din sa 33,000 ang mga namatay matapos madagdagan ng 167. 

Higit 19,000 naman ang nadagdag sa mga gumaling. 

Tumungtong din sa record high 27.5 porsiyento ang positivity rate, o bilang ng mga nagpopositibo mula sa mga tine-test ng COVID-19. 

Ibig sabihin, sa kada 4 na tine-test sa sakit, isa ang nagpopositibo. 

Nitong Sabado inanunsiyong palalawigin ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at mga karatig-lugar hanggang Setyembre 7. — May ulat ni Job Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.