PatrolPH

QC magpapahiram ng 175,000 tablets para sa online learning: Joy Belmonte

Doland Castro, ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2020 05:50 PM


MAYNILA — Magpapahiram ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng mga Samsung tablet para 175,000 estudyante na magagamit nila sa online learning ngayong papasok na school year. 

Iginiit ni Mayor Joy Belmonte na pahiram lang ito at ibabalik din dapat ng mga estudyante kapag tapos na ang taon.

Sabi pa ni Belmonte, ang Samsung tablets ay kapareho umano ng mga ginagamit ng mga estudyante sa Japan, US, at Norway.

Mayroon din daw itong mahigpit na seguridad kaya hindi magagamit sa mga laro, kalaswaan, at iba pang hindi angkop na aktibidad at tanging magagamit lang sa pag-aaral.

Maaalalang inurong ng Department of Education ang pagbubukas ng klase sa Oktubre para mapaghandaan ang blended learning ngayong may pandemya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.