Nangangamba ang industriya ng parol sa Pampanga - ang itinuring na "Christmas Capital of the Philippines” - sa kawalan ng kita sa paparating na Pasko dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Inaabot ng hapon bago maka-buwena mano ang lantern seller na si Hernan Cayanan Jr ngayong may pandemya.
"Ngayon po palima-lima ganyan… nahati din po ang sales,” ani Cayanan.
Malaki aniya ang naging epekto ng COVID-19 sa benta nila ngayong taon.
Samantala, nangangamba rin ang ilang taga-Pampanga na hindi na matuloy ang taunang giant lantern festival tuwing Disyembre.
Aminado ang mga lokal na opisyal na malaki ang naipapasok ng giant lantern festival sa kabuhayan, industriya, at turismo ng mga taga-Pampanga.
Pero dahil hindi dapat ikompromiso ang kaligtasan ng marami nagpaplano na ng ilang alternatibo ang provincial government.
Ayon kay Pampanga Governor Dennis Pineda, posibleng dalhin online ang festival kung magpapatuloy ang pandemya.
Posible rin umanong magkaroon ng exhibit ng lahat ng mga kalahok noong 2019.
Aabot sa 116 taon ang tradisyon ng pagpapailaw sa mga higanteng parol sa Pampanga.
— Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
TV PATROL, TV PATROL TOP, PatrolPH, Tagalog News, coronavirus, COVID-19, coronavirus Philippines update, COVID, coronavirus disease Philippines, COVID-19 Philippines update, parol, Pampanga, pandemic, COVID-19 pandemic, COVID-19 Pampanga, regional news, regional stories