Pag-araro ng SUV sa concrete barriers nagdulot ng trapiko sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2020 06:20 PM

MAYNILA — Tatlong concrete barriers ang natumba sa EDSA sa may bandang Quezon Avenue nitong Biyernes ng hapon matapos araruhin ng isang SUV.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, walang nasugatan sa insidente pero nagkalat sa kalsada ang barriers.

Inabot nang halos isang oras bago natanggal ang barriers sa kalsada, na bahagyang nagdulot ng traffic buildup. 

Mula Hunyo 1 hanggang Agosto 23, 94 na concrete barrier-related accidents na ang naitala ng MMDA.

Pero giit ng MMDA, sapat naman ang signages sa mga barrier at matagal naman na anilang naipaalam ito sa publiko.


—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.