Lalaki halos maputol ang paa matapos masagasaan ng PNR train sa Maynila

Jeck Batallones, ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2020 05:26 PM


MAYNILA — Halos maputol ang paa ng electrical engineer na si Rodel Moncano matapos niyang pumailalim sa tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Paco nitong Biyernes.

Sa inisyal na imbestigayon ng Manila Traffic Enforcement Unit, nagawa pang bumusina umano ng tren ng PNR ngunit tumawid pa rin ang biktima sa riles ng tren dahilan para siya ay mahagip.

Isinugod sa pagamutan si Moncano na nagtamo ng pinsala sa paa. 

Ayon sa ilang nakakita, balisa ang biktima na palakad-lakad sa riles ng tren bago mangyari ang insidente. 

Patuloy ang pagsisiyasat sa nangyari. 


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.