Kasama ang Kapurpurawan Rock Formation sa mga pansamantalang isinara sa mga turista. Larawan mula sa Facebook page ng Tourism Ilocos Norte
Pansamantalang sarado ang mga kilalang tourist spot sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa epekto ng bagyong Jenny.
Ayon sa Ilocos Norte Tourism Office, nakalabas man na ng Philippine area of responsibility ang bagyong Jenny, nananatiling sarado ang Kapurpurawan, Cape Bojeador Lighthouse, Saud Beach Park, Sand Dunes, at iba pang pasilidad ng gobyerno.
Maaaring buksan umano ang mga ito sa mga turista bukas ngunit depende pa rin sa magiging lagay ng panahon.
Samantala, ayon sa Ilocos Norte Provincial Resiliency Office, simula alas-4 ng hapon ay nararanasan na ang malakas na pag-ulan sa lalawigan.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.