Lalaki sa Naga patay sa buy-bust; P1-M halaga ng shabu narekober

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2019 01:22 PM

NAGA CITY - Patay ang isang lalaki sa lungsod na ito matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Cararayan nitong alas-5 ng madaling araw ng Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Marlon Gonzaga, na nakipagbarilan umano sa pulisya sa gitna ng buy-bust.

Ayon sa Naga City Police, hindi si Gonzaga ang target kundi ang may-ari ng bahay pero nakipagbarilan daw ito kaya napatay.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), 2 tama ng bala sa dibdib ang tinamo ni Gonzaga.

Arestado naman ang may-ari ng bahay na hindi muna pinangalanan. 

Halagang P20,000 ng hinihinalang shabu ang ibinenta ng mga suspek.

Laking-gulat naman ng pulisya nang marekober nila ang 2 plastik ng droga na may street value na higit P1 milyon. 

Nakatakdang kasuhan ang arestadong suspek. 

—Ulat ni Mylce Mella, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.