PatrolPH

Malawakang pamamahagi ng 'Pantawid Pasada' cards umarangkada na

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2018 01:07 PM | Updated as of Aug 28 2018 09:34 PM

Malawakang pamamahagi ng 'Pantawid Pasada' cards umarangkada na 1
Target ng LTFRB na maipamahagi ang lahat ng fuel cards sa buwan ng Setyembre. Kuha ni Mark Demayo, ABS-CBN News

Umarangkada na nitong Martes ang synchronized nationwide distribution ng Pantawid Pasada Fuel Cards na pinangunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at iba pang ahensiya.

Ayon sa LTFRB, sa mahigit 179,000 fuel cards, ang 1,192 dito ay naipamahagi na sa National Capital Region (NCR) simula pa noong Hulyo. 

Target ng LTFRB na maipamahagi ang lahat ng fuel cards sa buwan ng Setyembre.

Samantala, 22 na ang naiulat sa LTFRB na mga lumubag sa Pantawid Pasada Program.

Ayon kay Nida Quibic, hepe ng information systems management division ng LTFRB, sa halip na gamitin sa pagpapagasolina ang fuel card ay winithdraw umano ng drivers o operators ang pera at ginamit sa ibang transaksiyon.

Watch more on iWantTFC

Giit ni Quibic, blacklisted na ang mga lumabag at kanselado na ang kanilang fuel card.

—Ulat nina Raya Capulong at Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.