TINGNAN: Magulang ni Kian, nag-'fist sign' kasama si Duterte

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2017 09:06 PM | Updated as of Aug 28 2017 09:14 PM

 

Malacañang photo handout 

Nakipagkita si Pangulong Rodrigo Duterte sa mag-asawang Lorenza at Saldy Delos Santos, ang mga magulang ng 17 taong gulang na binatang pinatay sa isang operasyon ng pulis kontra droga sa Caloocan City.

Kasama rin sa pagpupulong sa Malacañang sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre, Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda Acosta, at Volunteers Against Crime and Corruption founding chairman Dante Jimenez. 

Nangyari ang pagpupulong dalawang araw matapos ilibing si Kian.

Ayon kay Aguirre, humiling ng seguridad ang pamilya Delos Santos sa Pangulo. 

Nangako si Duterte na walang "cover-up" sa kaso ni Kian, ayon sa Palasyo.

"Wala akong ano na mag-kapote ng abuso. Hindi trabaho ng Presidente ‘yan,” ani Duterte sa mga magulang ng batang pinaslang. “Trabaho namin is proteksyon ng tao.” 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.