Bangkay ng lalaking ginilitan natagpuan sa Parañaque

ABS-CBN News

Posted at Aug 28 2017 11:10 AM

MAYNILA - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa ilalim ng overpass sa San Dionisio, Parañaque, Lunes ng umaga.

Hindi pa nakikilala ang bangkay, na ayon sa pulisya, ay ginilitan bago itinapon sa lugar.

Ilang saksi ang nagsabing nakita nila ang isang sasakyang dumating at may itinapon sa basurahan pero di nila naplakahan ang kotse.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng matagal nang patay ang lalaki bago itinapon sa lugar.--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.