PatrolPH

2 menor de edad patay sa sunog sa Quezon Province

ABS-CBN News

Posted at Aug 27 2021 02:41 PM

Dalawang bata ang namatay sa sunog na sumira sa aabot sa 38 bahay sa Guinayangan, sa Quezon. Courtesy: PIO Guinayangan 
Dalawang bata ang namatay sa sunog na sumira sa aabot sa 38 bahay sa Guinayangan, sa Quezon. Courtesy: PIO Guinayangan 

Patay ang dalawang bata matapos masunog ang isang residential area sa Barangay Manggagawa, sa Guinayangan, Quezon province madaling araw ng Biyernes. 

Kinilala ang mga biktima na sila Mikayla Rosas Abellanosa, 15, at Melissa Joy Cruz, 4. 

Ayon sa mga awtoridad, inihabilin lamang umano ang apat na taong gulang na bata sa kapitbahay dahil nagpunta sa palengke ang mga magulang nito para maghanapbuhay. 

Ayon kay Guinayangan police chief Capt. Eric Veluz, alas-1:15 ng umaga nang magsimula ang sunog. 

Mabilis ang pagkalat ng apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay na gawa sa light materials. 

Naapula ang sunog pasado alas-3 ng madaling araw, kung saan 38 bahay ang natupok. 

Hinihinalang sa kuryente nagsimula ang sunog.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

KAUGNAY NA BALITA: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.